Header Ads

Sino ba si Mac-Mac sa buhay ni Piolo Pascual?



Manila, Philippines – TUMAWAG sa amin ang kilalang talent manager nitong Miyerkules ng hapon at tinanong kami kung bakit nadamay ang pangalan ni Maricar Reyes sa hiwalayang Piolo Pascual at KC Concepcion.
“Bakit nadamay si Maricar? Ano `yan, damage control? Ano naman kinalaman ni Maricar kay Piolo?“ sunud-sunod na tanong sa amin ng talent manager.
Nagtanong din kami sa tagaStar Magic kung close ba sina Piolo at Maricar, at ang mabilis na sagot sa amin, “Ewan, ang alam ko lang, nagkasama sila sa soap drama, `yung Lovers in Paris, di ba si KC ang leading lady ni Piolo?“ May tinanong din kaming taong malapit kay Maricar at ang sagot sa amin, “Hindi sila close, acquaintance lang, baka nagkita lang at nagkayayaang mag-dinner, or baka naman nanghihingi ng payo si Piolo kay Maricar about KC or si Maricar kay Piolo tungkol sa kung sinuman ang nanliligaw sa kanya, but definitely hindi sila couple.“
“Inililigaw kasi ang isyu,“ sabi pa ng kilalang talent manager na tumawag sa amin. “Ang totoo niyan, marami na namang naedit tiyak sa interview ni KC sa The Buzz, tulad ng nakagawian na nilang gawin na kapag may pinoprotektahang talent ng Star Magic, pinuputul-putol or chopchop.
“Hindi ba binanggit ni KC na nanggaling siya sa condo unit ni Piolo diyan sa may Scout Madrinan (malapit sa ABS-CBN) nang madaling araw at nagmamadali ring bumaba at umiiyak? Maraming nakakita kay KC, pero walang gustong magsalita sa mga nakakita. Puwedeng i-check `yan kung may CCTV camera ang building,“ dirediretsong kuwento sa amin.
Medyo naguluhan kami dahil bakit nagmamadaling umalis si KC at umiiyak? Ano ang dahilan?
“May duplicate key si KC sa condo ni Piolo, kaya anytime gustong pumunta ni KC sa unit, puwede. Eh, nag-surprise visit ang lola mo, hayun, pagbukas ng pinto ng kuwarto, nakitang may dalawang taong nakatalukbong ng kumot at siyempre nagulat si KC, hinila ang kumot para malaman kung sino `yung dalawang taong `yun.
“Nagulat ang lola mo at nagtatakbong umiiyak at maraming nakakita sa kanya sa baba ng building,“ kuwento sa amin.
Sino ba ang nakita ni KC na dalawang taong nakatalukbong ng kumot, balik-tanong namin sa aming kausap.
“Sino pa kundi sina Piolo at MacMac. Nakitulog kasi si Mac-Mac kasi ginabi, eh, malay ba naman ni KC na madadatnan niya si Mac-Mac doon,“ say sa amin ng kilalang talent manager.
Naguluhan kami. “Sino po ba si Mac-Mac?“ balik-tanong namin sa aming kausap.
“Ano ka ba? Wala ka ba talagang alam? Si Mark Bautista, `di ba magkaibigan sila ni Piolo? Magkakabarkada sila nina Christian (Bautista), Erik (Santos), Sam ( Milby) , etcetera, etcetera, ” paliwanag sa amin.
“Ah, okay, pasensiya na po, hindi kasi kami aware sa mga palayaw ng mga kaibigan ni Piolo,” sabi namin. “Ang ganda naman pala ng friendship nila dahil kahit na hindi na sila magkakasama sa isang TV network ay may contacts pa rin, at puwede ang sleepover.”
“Naku, ikaw talaga, Reggee, sinadya naman talagang ilipat si Mark sa GMA para hindi sila matsismis ni Piolo. Kasi nga, ‘di ba noon pa, may isyu na sa kanila? Kaya nagalit si Boss Vic del Rosario, nag-decide na lumipat na lang si Mark para hindi siya naiisyu at apektado ang career,” diretsong sabi sa amin.
Sa totoo lang, wala kaming malisya sa isyung Piolo at Mark though matagal na nga naming naririnig ito, pero dedma naman kami dahil malay natin kung talagang ganoon ka-close ang friendship nila. Wala kaming idea sa samahan nila, hindi kami close, at higit sa lahat wala rin naman kaming pinagsamahan.
At bigla tuloy naming naalala ang kuwento ng katoto namin nang minsang nagkita sila ni Piolo
sa Metro Bar para sa isang show o birthday party, na nang sumakay na sa sasakyan ang aktor ay may kasama raw sa loob na hindi na nagpakita sa kanya (katoto). Pero biglang may nag-text at binasa ng may hawak ng cellphone ang message, at nakita kung sino ang may hawak ng cell, si Mark Bautista.
“Diretso raw kasi sila ng gym kaya dinaanan na nila si Piolo,“ kuwento ng katoto namin.
Gusto lang naming i-share sa mga reader ng BALITA ang mga impormasyong ikinuwento sa amin, at kung saan nanggagaling ang sinabi ni KC na, “May mga bagay na hindi ko na kayang lunukin, hindi ko na kaya `yun tanggapin….“
Samantala, gusto rin naming marinig ang side ni Piolo, at hopefully ay hindi mababago ang plano niyang pagsasalita sa The Buzz sa Linggo, di ba, Bossing DMB? (Go, Piolo! –DMB)
At may pahabol ang kilalang talent manager na tumawag sa amin: “Sana hindi scripted ang sasabihin ni Piolo o baka may babasahin siyang script, at kung hindi niya type, baka hindi matuloy ang interview, depende `yan.“

Posted by Online Balita on Dec 2nd, 2011 // 1 Comment and 0 Reactions
Ni Reggee Bonoan
Powered by Blogger.