Header Ads

Saloobin ni Tito Alfie Lorenzo para kay Piolo Pascual?

Nakalimutan na yata ni Piolo Pascual ang isinigaw niya sa Milan, Italy nu'ng nagsu-shooting sila roon nina Claudine Barretto na pagbalik niya ng Pilipinas ay gagawa naman sila ni Judy Ann Santos ng bagong pelikula.

Ang pasikat at nagmamalaki pang sigaw nga raw ni Piolo (ayon sa isang Star Cinema exe­cutive na bantay sa shooting sa Milan) ay, "Oh no! Not again!"
Ang tambalang Juday at Piolo ang pinakasikat noon sa bakuran ng Star Cinema na pati Papa Gabby Lopez ko ay bilib dahil hindi bumababa sa 100 million ang kita ng bawat pelikula ni Juday.

At si Piolo Pascual ay isa lang sa mga leading men ni Juday na napasikat niya nang husto na dumating sa puntong ang akala ni Piolo ay siya ang nagdadala ng pelikula nila ni Juday at feeling niya ay mas sikat pa siya kesa kay Juday.
Eh naitambal naman si Piolo sa iba pang leading ladies na feeling nga ni Piolo ay kaya na niyang magdala ng pelikula kahit 'di si Juday ang katambal niya. But sad to say, wala siyang pelikula na humi­git pa ang kita kesa mo­vie nila ni Juday.

Malas pa nga si Piolo sa mga nakatambal niya dahil kung ang praise release ay syota niya ang bawat nakatambal niya (syota hanggang sa maka-showing ang movie nila!) eh bakit lahat, as in lahat -- eh sa ibang lalake napa­kasal? At hanggang nga­yon ay wala pang napapakasalan si Piolo?

At dumating na nga sa puntong si Piolo ay desperado na dahil invaded by young and more handsome players ang field na akala niya ay solo niyang ginagalawan. He has now joined the league of Die­ther Ocampo, Jericho Rosales, Carlos Agassi, Bernard Palanca na mga kasamahan niya dati sa hunks group, pero nga­yon ay kapareho na lang niya ng kategorya.
Nahihirapan na mismo ang Star Cinema na ihanap si Piolo ng role na babagay sa edad niya. Kaya pasingit-singit na lang siya sa mga affairs ng ABS-CBN either as host or a shot song number na wala nang tumitili.

And in one desperate move ay nilapitan niya si Juday sa isang affair ng ABS-CBN at kinausap. Since edukada naman si Juday kahit na 'di college graduate ay civil naman itong nakipag-usap sa pinasikat niyang leading man niya.

Umaasa ngayon si Piolo na gagawa sila ng movie ni Juday para mahango siya sa tulu­yang pagkasadlak sa lusak. Kelan naman mangyayari 'yun? Papayagan ko ba namang mangyari 'yun kahit na hiniling na sa akin ni Malou Santos ng Star Cinema o ng Papa Gabby ko na one last despe­rate move for Piolo.

Si Piolo Pascual pa na walang pakialam sa damdamin ng ibang tao? Magdaan man ang Pasko o birthday ni Juday, binati man lang ba siya ng Pio­lo na 'yan? Naalala bang pasalamatan man lang ni Piolo si Juday 'pag tumatanggap ng award ang magaling na lalakweng ito?

Nakiramay ba si Piolo nu'ng namatayan si Juday? Na 'di man lang naalalang idaan man lang sa simbahan kung saan nakaburol ang lola ni Juday eh on the way naman 'yun sa pupuntahan ni Piolo?

Iniwan niya sa Christmas party ng mga fans nila si Juday at lumayas na siya. Inimbita naman si Piolo nu'ng kasal nina Juday at Ryan Agoncillo, nagpunta ba siya? And worst, ni hindi man lang bumati.

Pagkagaling nina Juday at Rya­n sa reception ng kasal nila ay saka naman lumarga doon si Piolo kasama ang bago niyang binobola noon na si KC Concepcion. At tuwing may okasyon sa ABS-CBN ay pilit na nagtatago si Piolo para 'di makabati kay Juday.
Guest man si Juday sa Sunday show ng ABS ay hindi nagpapakita kay Juday si Piolo. Magaling siyang umiwas.

At ngayon ay hindi na niya iniiwasan si Juday at nilapitan pa at binati dahil may kailangan! Hindi ba obvious ang panggamit ng Piolo na 'yan? Movie with Juday ha, kelan naman kaya mangyayari 'yun? Past is past and never shall it return.
Maligaya na si Juday sa pagiging lovely wife and devoted mother to Lucho so who needs one like the character of one Piolo Pascual? More than 50 years na akong gumagalaw sa mundo ng showbiz at wala pa akong nakitang artista na kasing-manggagamit ni Piolo at binabalewala ang babaeng nagpasikat sa kanya.

Kinain na ba ni Piolo ang sarili niyang salita? Puwes, ako mismo ang magbabalik nito sa kanya at magsasabing, "Oh no! Never again!"
Maliwanag po ba?

From Tito Alfie Lorenzo.

Admin Deggy
-->
Powered by Blogger.