Header Ads

Willie Revillame surprises Joey de Leon on the latter's birthday celebration on Startalk



Ikinuwento ni Willie Revillame sa Wil Time Bigtime ng TV5 ngayong gabi, October 13, ang pagbisita niya sa studio ng Startalk sa GMA Network kaninang hapon para personal na batiin si Joey de Leon.
Bukas, October 14, ay magdiriwang ng kanyang 66th birthday ang veteran TV host-comedian.
Ikinagulat ng viewers ng Startalk ang paglabas ni Willie sa programa dahil walang announcement na darating siya sa nabanggit na showbiz talk show ng GMA-7.
Apat na taon na hindi nagkikita nang personal sina Joey at Willie, mula nang magkasundo sila sa isang awards night na ginanap sa Embassy Bar, The Fort, noong October 2008. (CLICK HERE to read related story.)
Pero makalipas ang ilang araw, muling nagpalitan ng maaanghang na salita ang dalawa.

SURPRISE VISIT. Simula ni Willie, “Nagpunta po ako kanina sa Kapuso, saStartalk, dahil binati ko po ang henyo ng noontime show, ang henyo ng mga nagbibigay ng patawa.
“Walang iba… Happy birthday, Joey de Leon!
“Mr. Joey de Leon, Pare, happy birthday sa 'yo!”
Maligayang-maligaya si Willie dahil mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga empleyado ng GMA-7 nang bumisita siya kanina sa Startalk.  
“Kanina, kay Mr. Ricky Lo, kay Butch Francisco, thank you, and of course, kay Tita Lolit [Solis], at sa staff.
“Ikukuwento ko lang, pagpasok ko sa GMA, ang babait ng mga guwardiya.
“Itinago ako kasi sorpresa. Pinagtago ako sa control booth nila.
“Yung kanilang mga cameraman, yung kanilang mga technical director, at staff.
“Alam n'yo ho, nakakatuwa, nandoon kami sa likod. Wala silang ginawa kundi ang magpa-picture sa akin. Nakaka-appreciate ang ganoon.
“Palakpakan natin ang staff ng GMA, walang competition, walang personalan.
Source: Pep.ph





-->
Powered by Blogger.