Header Ads

Isko Moreno Guilty nga ba?


Sa ilang araw kong pagbababad sa telebisyon at paulit-ulit na balita hingil sa iringan ng magkabilang panig, wala akong nakitang magandang kahihinatnan.

Isyung ilegal gambling na diumanoy pinamumunuan ng kampo ni Moreno at nagiiinit na kampo ni Mayor Lim. Para sa akin ang PABINGO ni ISKO wala akong nakikitang masama eh kasi kahit taong bayan nagsasabi na walang perang nakataya kaya meron ba dapat managot?

Tama lang ang ginawa sana ni Mayor Lim na pagpapahuli kaso di ba dapat inisip muna nya na kahit sya ay may mga pagkukulang? Napaka daming dapat hulihin sa kanyang balwarte pero bakit hindi nila hinuhuli tulad ng mga magnanakaw, snatcher, iligal bendors, drug trafficking at marami pang iba na pwedeng pagtuunan ng pansin.

Halatang-halata ang setup nito na dahil sa pulitika.

- Mayor at Vice kayo po ang namumuno kaya dapat kayo ang maging daan para gayahin at hindi maging pasimuno ng kaguluhan. Ang taong Bayan ang nagbabayad sa inyo kaya sana konteng hiya naman po.




- FYI, ang lahat ng ito ay personal na opinion ko lamang!
Powered by Blogger.